Pangalawang ginto, nasungkit ng Pilipinas sa Asian Para Games sa Indonesia

By Rod Lagusad October 09, 2018 - 05:19 AM SHARE(S):

Nasungkit ng Pilipinas ang ikalawang ginto sa Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia.

Nanguna ang bowler na si Kim Ian Chi sa Mixed Singles TPB10 event na ginanap sa Jaya Ancol Bowling Centre.

Nagtala ng score na 231.30 si Chi para manalo ng gintong medalya.

Nauna ng naiuwi ng swimmer na si Ernie Gawilan ang unang ginto ng bansa sa 200m Individual Medley noong Linggo.

Sa kasalukuyan ay nasa ikasampung puwesto ang Pilipinas sa medal tally ng Asian Para Games.

Ang bansa ay meron ng 2 gold, 2 silver at 3 bronze.

 

TAGS: Asian Para Games, bowling, indonesia, Jakarta, Kim Ian Chi, Asian Para Games, bowling, indonesia, Jakarta, Kim Ian Chi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.