Barangay Tanod, patay sa pamamaril sa Cebu

By Justinne Punsalang October 09, 2018 - 05:11 AM

Dead on the spot ang isang barangay tanod matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Barangay Cubacub, Mandaue City, Cebu.

Kinilala ang nasawing biktima na si Paulino Vega, 59 na taong gulang, at barangay tanod sa naturang lugar.

Ayon sa deputy chief ng Canduman Police Station na si SPO4 Gerson Rosende, pauwi na si Vega mula sa kanyang pagbabantay sa isang public school sa Barangay Cubacub nang dumating ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo.

Walang habas na pinagbabaril ng riding in tandem ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang insidente ay kaagad na tumakas ang mga salarin.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang anim na basyo ng kalibre 45 baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaslang.

TAGS: barangay tanod, cebu, Mandaue City, barangay tanod, cebu, Mandaue City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.