P4-B ang ransom demand ng mga kidnappers sa “Samal Kidnapping”

By Dona Dominguez-Cargullo November 04, 2015 - 09:44 AM

SAMAL Kidnapping
Grabbed from Heavy.com

Apat na bilyong piso ang hinihinging ransom ng mga kidnappers na dumukot sa tatlong dayuhan at isang pinay sa Samal Island noong September 21.

Ayon sa International Expert na si Professor Rommel Banlaoi, isang bagong video ang inilabas ng mga kidnappers na may hawak sa mga dayuhang sina Robert Hall (Canadian), John Ridsdel (Canadian) at Kjartan Sekkingstad (Norwegian) at sa isang Pinay.

Sa nasabing video, pinagsalita si Ridsdel habang may nakatutok na bolo sa kaniyang leeg at sinabi nitong nasa matinding panganib ang kanilang buhay. Sinabi ni Ridsdel na isang bilyong piso kada isa sa kanila ang demand na ransom ng grupo. “We’re being ransomed for each for P1 billion. I appeal to the Canadian Prime Minister and the people of Canada, please pay this ransom as soon as possible, or our lives are in great danger” ayon kay Ridsdel.

Sunod na pinagsalita at tinutukan ng bolo sa leeg si Hall na nagsabing sila ay hawak ng Abu Sayyaf Group (ASG). “My name is Robert Hall and I’m a Canadian citizen and being held hostage by Abu Sayyaf for one billion pesos, these people are serious and very treacherous, take them seriously, help us, get us out of here,” ayon naman kay Hall.

Ipinakita ring muli sa nasabing video ang paggamit ng mga kidnappers ng ISIS flag.

Sinabi sa Radyo Inquirer ni Banlaoi na batay sa bagong video, mismong isa sa mga kidnap victims ang nagsabing Abu Sayyaf nga ang may hawak sa kanila.

Hindi na rin pinagtakhan ni Banlaoi ang napakalaking ransom demand ng grupo, dahil bago pa lumabas ang video may nakukuha na silang impormasyon na malaki talaga ang hihinging ransom para sa paglaya ng mga biktima ng Samal Kidnapping.

Ang 87-second video ay inilabas sa SITE Intelligence group.

Isa sa mga armadong lalaki na nakatayo sa likod ng mga biktima ang nagsabing papatayin nila ang mga hawak na hostage kapag hindi ibinigay ang kanilang demand.

TAGS: Abu Sayyaf wants P4B for 4 Samal kidnap victims, Abu Sayyaf wants P4B for 4 Samal kidnap victims

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.