Pilipinas, mapapatawan ng sanction kapag bumagsak sa money laundering law review
Mapapatawan ng sanction ang Pilipinas kapag bumagsak ito sa isasagawang review ng Financial Action Task Force (FATF).
Ito ay may kaugnayan sa pagsunod ng bansa pagdating sa international anti-money laundering standards.
Ayon kay Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Mel Georgie Racela, dadating sa bansa ang mga opisyal ng Sydney-based group na Asia-Pacific Group on Money Laundering (APGML) sa darating na November 15 hanggang 28.
Ito ay para isasagawang ‘mutual evaluation’.
Ang APGML ay isang regional body na inatasan ng FATF para i-monitor ang anti-money laundering system ng Pilipinas at iba pang bansa sa rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.