Sen Poe, nais maibalik bilang si Lizada bilang Spokesperson ng ahesiya

By Rod Lagusad October 09, 2018 - 04:55 AM

Nais ni Sen. Grace Poe na maibalik si LTFRB Board Member Aileen Lizada bilang Spokesperon ng ahensiya.

Ayon kay Poe, nararapat sa posisyon si Lizada dahil sa kaya nitong maiparating ang mensahe ng ahensiya at naiintindihan nito ang sentimiyente ng mga taon.

Hinimok ng senadora si LTFRB Chair Martin Delgra na italagang tagapagsalita si Lizada para sa pagpapaliwanag sa implementasiyon ng programang PUV modernization.

Ito ang naging panawagan ni Poe sa huling araw ng Senate committee on public services inquiry sa nasabing programa ng pamahalaan.

Sa panig naman ni Delgra, ay sinabi nito na kanila pang pag-uusapan ang nasabing panawagan ni Poe.

TAGS: Aileen Lizada, grace poe, ltfrb, Martin Delgra, Aileen Lizada, grace poe, ltfrb, Martin Delgra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.