PNP, nagsimula ng tukuyin ang mga posibleng election hotspots sa 2019 elections

Nagsimula na ang Philippine National Police (PNP) na ilista ang mga posibleng mga election hotspots sa 2019 elections.

Ito ay bahagi ng maagang paghahanda se sguridad para sa isasagawang eleksiyon kasunod ng sunoud-sunod na pagpatay sa mga lokal na opsiyal.

Sa kasalukuyan na sa 7,926 na mga barangay ang inisyal na nakalista kaugnay nito.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ang nasabing bilang ay base sa pinakahuling Barangay Elections.

Karamihan mula dito ay nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sinundan naman ito ng Region VIII – Eastern Visayas at Region 7 – Central Visayas.

Read more...