Panukalang nagbabawal sa ‘corporal punishment’ sa mga bata, aprubado na sa Senado
Aprubado na sa Senado ang panukalang nagbabawal sa ‘corporal punishment’ sa mga batang may edad labing taon pababa.
Ang Senate Bill No. 1477 ay layong mabigyan ng proteksiyon ang mga bata mula sa physical at mental violence.
Ipinapanukala din ng nasabing bill na ma-promote ang pagkakaroon ng positibo at hindi bayolenteng na paraan sa pagdidispilina ng mga bata.
Ipinagbabawal ng panukala ang pananakit, paninipa, pananampal, pamamalo sa kahit anumang parte ng katawan ng bata meron man o walang gamit na pamalo tulad ng sinturon, walis o baston.
Kasama din sa ipinagbabawal ang pananabunot o pagkaladkad o paghagis sa mga bata. maging ang ‘twisting of joints’, ‘cutting’ o ‘piercing’ sa balat.
Ayon kay Sen. Risa Hontiveros na may-akda ng panukala ay bawal din ang pagpwersa sa mga bata na gumawa ng mga masakit o delikadong bagay tulad ng pag-squat, pagtayo o pag-upo sa ‘contorted position’, pagpapabuhat sa mga ito ng mabibigat na bagay sa loob ng mahabang oras, pagpapaluhod sa mga bato o asin.
Bawal din ang pagkakaroon ng verbal abuse kabilang ang pagbabanta, pagmumura, pangungutya sa bata at ang pamamahiya dito sa harap ng ibang maraming tao.
Sa ilalim ng panukala ay makakaranggap ng sulat mula sa Barangay Chairman o kinatawan nito na nagsasbaing itigil na nito ang ginagawang corporal punishment sa mga bata sa unang paglabag at maari ring magsagawa ng mediation and reconciliation meeting kaugany nito.
Sa ikalawang paglabag ay bibigyang ulit ng sulat ang mga magulang at obligado nang dumalo sa isang counselling at positive discipline seminar.
Habang sa ikatlong paglabag ay maghahain na ang Barangay Council for the Protection of Children sa pamamagitan ng Barangay Captain para magsampa ng reklamo sa mga otoridad laban sa magulang o guardian at kasabay nito ay magsasagawa ng mediation and reconciliation meeting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.