Pekeng STL operators arestado sa Quezon province

By Justinne Punsalang October 09, 2018 - 04:44 AM

Arestado ang tatlo katao matapos mahuli sa aktong nag-ooperate ng iligal na Small Town Lottery (STL) sa Barangay San Diego, Zone 4 sa Tayabas City, Quezon.

Nakilala ang mga arestadong suspek na sina Timoteo Reyes, Joel David, at Danilo Orenze.

Ayon sa mga otoridad, naaktuhan nila ang tatlong mga suspek sa kalagitnaan ng pangongolekta ng taya para umano sa STL.

Nang hingan ng ID o anumang dokumentong magpapatunay na sila ay operator ng STL ay wala silang naiprisenta, dahilang upang arestuhin ang mga ito.

Narekober mula sa tatlong pekeng STL operator ang 27 piraso ng lastillas at mahigit sa P6,000 bet money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 o illegal gambling.

TAGS: Quezon, STL, Quezon, STL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.