Saku-sako ng mineral ore, naharang sa Itogon, Benguet
Hinarang ng mga otoridad ang isang jeep sa Barangay Poblacion sa Itogon, Benguet matapos makitang sakay nito ang saku-sakong mineral ore.
Ito ay kahit na kasalukuyang ipinatutupad sa lugar ang ‘no mining policy.’
Ayon sa Mines and Geosciences Bureau – Cordillera Administrative Region (MGB-CAR), 36 na sako ng mineral ore ang kanilang nakumpiska.
Pawang mga residente ng Barangay Ucab ang driver ng jeep at kanyang tatlong mga pasahero.
Ngunit dahil wala silang naipakitang kaukulang transport permit ay sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Section 53 ng Philippine Mining Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.