Hinimok ng mga marine ecologists ang sektor ng turismo na tigilan ang pangpe-pressure sa mga otoridad sa maagang muling pagbubukas ng Maya Bay na isang sikat na tourist destination sa Krabi, Thailand.
Ito ay para masiguro ang maayos na proseso ng rehabilitasyon sa lugar.
Nitong September 28 ng maglabas ang National Parks Department ng kautusan para indefinite closure ng tourist destination.
Ito ay para mabigyang ng oras ang mga napinsalang mga coral reefs na maka-recover.
Ang Maya Bay ay isa pinakdinadayong tourist destination sa mundo na nakapagtatala ng nasa 5,000 turista bawat araw o aabot sa 1 milyong turista kada taon.
Magpupulong naman ang mga local tour operators na apektado ng pagsasara para mapag-usapan ang kanilang gagawin kaugnay ng nalalapit na peak ng tourism season sa lugar.