Panibagong oil price hike kasado na ngayong araw

By Justinne Punsalang October 09, 2018 - 04:39 AM

Muling magkakaroon ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw ng Martes.

Madaragdagan ang kasalukuyang halaga ng gasolina sa piso bawat litro. P1.45 kada litro naman ang itataas para sa diesel.

Habang magmamahal ng P1.35 ang bawat litro ng kerosene.

Ipatutupad ng iba’t ibang kumpanya ng langis ang naturang oil price adjustment mamayang alas-6 ng umaga.

Kabilang sa mga kumpanyang nag-anunsyo ng oil price hike ang Caltex, Flying V, Jetti, Petro Gazz, PTT, SeaOil, Shell, at Total.

Ito na ang ika-siyam na sunod na linggong nagkaroon ng pagtataas sa singil sa mga produktong petrolyo.

TAGS: oil price hike, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.