Tax amnesty para sa mga negosyante sa Boracay at mga kalapit na lugar isinisulong ni 1CARE Rep. Uybarreta

FILE

Inirekomenda ni 1CARE Rep. Carlos Roman Uybarreta na bigyan ng tax amnesty ang mga apektado ng rehabilitasyon sa Boracay.

Ayon kay Uybarreta, sa pamamagitan ng tax amnesty mabibigyan ng tulong ang mga negosyo at ang ekonomiya sa Isla.

Bukod sa Boracay, nais ng mambabatas na makasama ang kabuuan ng bayan ng Malay at mga kalapit na munisipalidad.

Dapat aniyang igawad ang tax amnesty para sa taong 2018 at 2019 upang muling makabangon ang mga nagnenegosyo doon pagpasok ng 2020.

Ilang buwan ding humina ang negosyo ay ekonomiya sa bayan ng Malay at ilan pang kalapit na lugar dahil sa pagsasara ng Boracay Island.

Read more...