Draft ng bagong Saligang Batas, isinalang na sa 2nd reading ng Kamara

By Erwin Aguilon October 08, 2018 - 10:48 PM

May nag-sponsor na sa Kamara ng inaprubahang draft ng pag-amyenda sa Saligang Batas na inakda ng ilang sa mga lider ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay House Committee on Constitutional Ammendments Chair Vicente Veloso nais nilang mabilis ang pagpasa nito para hindi na maging sagabal sa paparating na 2019 midterm elections.

Sa inaprubahang draft ng Konstitusyon, magiging apat na taon na ang isang termino ng mga halal na opisyal kabilang ang kongresista, senador at pangulo.

Ang pangulo ay maaring muling iboto sa ikalawang termino habang aalisin naman ang term-limit ng iba pang opisyal.

Nakasaad din dito na kailangang college graduate ang mga tatakbo sa pagka kongresita, senador, bise presidente at pagkapangulo.

Ang running mate naman ng mananalong pangulo ang awtomatikong magiging bise presidente.

Gagawin din sa ilalim ng bagong Saligang Batas na two-party system na lamang sa bansa.

Sa ilalim din ng draft constitution na mananatili ang Presidential form ng gobyerno pero ang Kongreso na ang magdedesisyon sa pagbuo ng federal states.

Ang mababang kapulungan ay bubuuin ng hindi bababa sa 300 mga kinatawan.

Mananatili din sa ilalim ng panukalang pagpapalit ng konstitusyon ang Senado at ang mga senador ay ihahalal mula sa buong bansa tulad pa rin ng sa partylist.

TAGS: constitution, Kamara, constitution, Kamara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.