SC, umapela sa PNP na mabigyang ng hustisya ang pagpatay sa isang judge sa Ozamiz City
Ikinalulungkot ng Korte Suprema ang pagpatay kay Ozamis City Regional Trial Court Executive Judge Edmundo Pintac.
Si Judge Pintac ay binaril at napatay habang siya ay pauwi na.
Kaugnay nito, nananawagan si Chief Justice Teresita De Castro sa Pambansang Pulisya na gawin ang lahat ng paraan para maaresto sa lalong madaling panahon ang mga nasa likod ng pagpatay.
Inatasan na raw niya si Court Administrator Jose Midas Marquez para makipag-ugnayan sa mga otoridad.
Kasabay nito, nagpaabot din si De Castro ng panalangin at pakikiramay sa pamilya ni Judge Pintac labing limang taong nagsilbi bilang RTC Judge.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.