Go: Nagpahinga lang sa Hong Kong ang pangulo

By Chona Yu October 08, 2018 - 05:14 PM

Photo: Bong Go

Mariing pinabulaanan ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na nag-shopping at nagdala ng bundle bundle na salapi si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong noong weekend.

Ayon kay Go, nagpahinga lamang ang pangulo sa Hong Kong kasama ang partner na si Honeylet Avanceña at anak na si Kitty.

Bukod dito, sinabi ni Go na nami-miss na rin ng pangulo na maka-bonding ang kanyang anak na si Kitty dahil dalawa’t kalahating taon na niya itong hindi nagagawa.

Fake news at intriga lang aniya ang naglabasang ulat sa social media na may dala dalang bundle na cash ang pangulo.

Biglaan at pribado din aniya ang bakasyon ng pangulo kung kaya sadyang hindi na nila sinabihan si Presidential Spokesman Harry Roque.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na tsismis lamang ang ulat na nagpagamot si Pangulong Duterte sa Hong Kong.

TAGS: bong go, duterte, honeylet, Hong Kong, kitty, vacation, bong go, duterte, honeylet, Hong Kong, kitty, vacation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.