Malacañang ipauubaya sa pangulo ang paglalabas ng medical advisory

By Chona Yu October 08, 2018 - 04:41 PM

Inquirer file photo

Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapag dedesisyon kung isasapubliko o hindi ang kanyang medical bulletin.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, sa ngayon, walang seryosong sakit ang pangulo.

Iginiit pa ni Go na walang makitang sakit sa pangulo.

Malinaw din aniya ang nakasaad sa Saligang Batas na maari lamang isiwalat ang medical bulletin ng pangulo kapag mayroong seryosong karamdaman.

Tumanggi naman si Go na tukuyin kung lumabas na ang resulta ng medical tests na isinagawa ng mga doktor kay Pangulong Duterte.

Matatandaan na noong Miyerkules ay inamin ng pangulo na nagtungo siya sa Cardinal Santos Medical Center para sa Endoscopy.

TAGS: bong go, Cardinal Santos Medical Center, duterte, Endoscopy, medical advisory, bong go, Cardinal Santos Medical Center, duterte, Endoscopy, medical advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.