Dating mayor sa Samar sugatan sa pananambang

By Donabelle Dominguez-Cargullo October 08, 2018 - 01:46 PM

Sugatan sa pananambang ang isang dating alkalde sa bayan ng San Jose de Buan sa lalawigan ng Samar.

Dumadalo sa aktibidad sa piyesta ang 57 anyos na si Ananias Rebato nang siya ay pagbabarilin nang hindi nakilalang mga suspek.

Ayon sa mga otoridad, agad naisugod sa ospital sa Tacloban City si Rebato.

Nasawi naman sa nasabing insidente ang 24 anyos na driver ng dating alkalde na si Severino Tesoro.

Habang patay din ang isa sa mga suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: Ananias Rebato, Dating mayor sa Samar, San Jose de Buan sa lalawigan ng Samar, sugatan sa pananambang, Ananias Rebato, Dating mayor sa Samar, San Jose de Buan sa lalawigan ng Samar, sugatan sa pananambang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.