Magdalo Rep. Alejano nabahala sa biglang byahe ni Pang. Duterte sa Hong Kong

By Erwin Aguilon October 08, 2018 - 01:33 PM

Ikinaalarma ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang biglaang byahe ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend sa Hong Kong kasama ang anak na si Kitty at common-law wife na si Honeylet Avancena.

Ayon kay Alejano, nakababahala ang ginawa ng pangulo dahil walang kaalam-alam ang publiko sa biyahe nito abroad.

Sinabi ng mambabatas na walang pormal na anunsyo at hindi rin malinaw kung may naitalagang officer-in-charge habang nasa ibang bansa si Pangulong Duterte.

Paliawanag nito, nakakaalarma ang pangyayari dahil nakasalalay dito ang isyung pang seguridad ng bansa.

Naiintindihan naman anya na kailangan din ng pangulo ng pahinga, subalit mainam aniya na gawin itong pormal.

Kumbinsido naman si Alejano na may sakit at may iniiwasang infection ang Pangulong Duterte sa biyahe nito batay na rin sa naglabasang pictures na naka-mask ito.

TAGS: Hong Kong, Kitty at common-law wife na si Honeylet Avancena., Magdalo Rep. Alejano, Pang. Duterte, Hong Kong, Kitty at common-law wife na si Honeylet Avancena., Magdalo Rep. Alejano, Pang. Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.