Pagsipa ng Inflation rate sa 9% sa Disyembre ibinabala ng isang ekonomistang kongesista
Ibinabala ni 1-PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero na posibleng umakyat pa ang inflation rate ng bansa sa buwan ng Disyembre kung hindi pa pwersahang manghihimasok ang gobyerno para solusyonan ang mga dahilan ng pagtaas nito.
Sinabi ni Romero na kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin, pagbaba ng halaga ng piso, pagtaas ng presyo ng krudo at mataas na paggastos ng mga consumers ngayong papalapit na holiday season asahan na sa Disyembre ay umabot sa 8 hanggang 9 na porsyento ang sipa ng inflation.
Kailangan na aniyang gumawa ng paraan ang pamahalaan na padamihin ang suplay sa mga basic commodities ngayong inaasahan na tataas ang demand sa mga consumers.
Dapat na rin aniyang magpatupad ng foreign exchange adjustment para kontrahin ang pagbaba ng piso na epekto ng mataas na presyo ng langis.
Bukod dito, inatasan rin ni Romero ang National Food Authority at Department of Trade and Industry na alisin ang mga hindi kailangang regulasyon sa rice retail permits.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.