Kamara inulan ng reklamo laban sa electric cooperative sa Iloilo

By Erwin Aguilon October 08, 2018 - 01:04 PM

Inquirer Photo

Posibleng hindi na matuloy ang paggawad ng Kamara ng renewal sa prangkisa ng Panay Electric Company (PECO) sa Iloilo.

Ayon kay House Legislative Franchise Committee chairman Franz Alvarez, sa dami raw ng mga reklamo ng mga taga-lungsod ng Iloilo sa serbisyo ng PECO ay makumbinse na rin ang mayorya ng kanyang komite na harangin ang hiling ng kompanya na franchise renewal.

Nabatid na sa Enero 18, 2019 na nakatakdang matapos ang prangkisa ng PECO subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakalusot sa komite ni Alvarez ang panukalang batas para sa renewal ng prangkisa nito.

Nabatid na ilan sa mga kinokonsidera nina Alvarez daw sa ngayon ay ang sablay daw na pag-ayos ng serbisyo nito gayundin ang biglaang pagtaas umano ng monthly bill nito sa mmga nakalipas na buwan.

Hawak ng PECO ang eksklusibong prangkisa para magbenta ng kuryente sa Iloilo City nitong nakaraang siyam na dekada.

Base sa pag-aaral na kinumisyon ng loilo Economic Development Foundation sa ilalim ng Singapore consultancy firm WSP, ang operasyon ng PECO ay patuloy na nangungulelat kumpara sa mga ibang power distributors sa Manila, Cebu at Davao.

TAGS: House Legislative Franchise Committee chairman Franz Alvarez, Iloilo, Panay Electric Company, peco, House Legislative Franchise Committee chairman Franz Alvarez, Iloilo, Panay Electric Company, peco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.