Dating PSC Chairman Harry Angping humirit sa korte na makalabas ng bansa
Hiniling ni dating Philippine Sports Commission chairman Harry Angping sa Sandiganbayan na payagan siyang makabiyahe palabas ng bansa.
Apat na araw ang hirit na biyahe ni Angping patungo sa Kuala Lumpur, Malaysia sa gitna ng kinakaharap nyang kasong graft.
Ayon kay Angping, Oct. 11 hanggang 14 ang nakatakda niyang biyahe para sa business meeting niya sa isang Low Beng Chiu, presidente ng Malaysia Softball Associate and SCA Softball Confederation Asia.
Ayon kay Angping ang travel bond na P60,000 ay patunay na sya ay susunod sa lahat ng kondishon na ibibigay ng Sandiganbayan.
Ang kaso ni Angping ay nag-ugat matapos umano siyang makipagsabwatan kay Philcare Manpower Services president Edmund Montanes sa pag-hire ng 71 janitors at 9 na gardeners nang hindi dumadaan sa tamang requirements.
Pinaburan umano ni Angping ang Philcare nang igawad ang kontrata sa naturang kumpanya nang hindi nagsasagawa ng public bidding.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.