De Castro dumalo sa huling flag raising ceremony niya bilang punong mahistrado

By Donabelle Dominguez-Cargullo October 08, 2018 - 10:05 AM

Inquiret dot net / Tetch Torres Photo

Dumalo si Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro sa flag raising ceremony sa Korte Suprema.

Ito ang huling flag raising ceremony ni De Castro bilang punong mahistrado dahil sa pagsapit niya sa mandatory retirement age na 70.

Kasabay ng flag raising, binati rin si De Castro ng mga empleyado ng Korte Suprema sa kaniyang kaarawan ngayong araw, Oct. 8.

Dumalo din ang siyam na mga mahistrado ng SC at si Court Administrator Midas Marquez.

Inquiret dot net / Tetch Torres Photo

Sa pagdating sa SC Building sinalubong si De Castro ng red carpet at mga puti at asul na lobo.

Binigyan din siya ng certificate of recoginition para sa kaniyang mahigit 45 taon na serbisyo sa gobyerno.

Sa kaniyang talumpati pinasalamatan ni De Castro ang mga nakasama niya sa hudikatura.

Sinabi rin nitong mami-miss niya ang mga empleyado ng SC na nagbigay sa kaniya ng maraming ala-ala na hindi niya malilimutan.

Sa Miyerkules epektibo ang retirement ni De Castro.

TAGS: bilang punong mahistrado, Chief Justice Teresita Leonardo de Castro, dumalo sa huling flag raising ceremony, korte suprema, bilang punong mahistrado, Chief Justice Teresita Leonardo de Castro, dumalo sa huling flag raising ceremony, korte suprema

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.