Dating kapitan ng barangay sa Cebu patay sa pananambang

By Donabelle Dominguez-Cargullo October 08, 2018 - 09:49 AM

Nasawi sa pananambang ang isang dating kapitan ng barangay sa bayan ng Sibonga sa Cebu.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril ng hindi nakilalang mga suspek ang biktimang si Mark Ferdinand Bas, dating barangay captain sa Barangay Lagtang, Talisay City.

Nakitang wala nang buhay si Bas sa Sitio Dumlog, Brgy. Simala sa Sibonga.

Ayon sa mga otoridad, si Bas ay hinihinalang sangkot sa illegal drug trade at nagawa nitong makatakas sa ginawang raid ng mga pulis sa kaniyang bahay kamakailan.

Noon lamang Hulyo 2018, nasawi din sa pananampang ang anak ni Bas na si Art Stephen Bas na barangay kagawad naman at mechanical engineering student sa South Coastal Road sa Talisay City.

TAGS: Barangay Lagtang, Brgy. Simala sa Sibonga natagpuan, cebu, Dating kapitan ng barangay, Mark Ferdinand Bas biktima, patay sa pananambang, Sitio Dumlog, Talisay City, Barangay Lagtang, Brgy. Simala sa Sibonga natagpuan, cebu, Dating kapitan ng barangay, Mark Ferdinand Bas biktima, patay sa pananambang, Sitio Dumlog, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.