20 patay matapos mabangga ang sinasakyang limousine sa New York

By Donabelle Dominguez-Cargullo October 08, 2018 - 09:30 AM

AP Photo/Hans Pennink

Patay ang 20 katao matapos maaksidente ang sinasakyan nilang limousine sa New York.

Ayon kay Police Deputy Supt. Christopher Fiore, kabilang sa nasawi ang lahat ng 18 sakay ng SUV-style stretch limo at dalawang pedesrians.

Base sa inisyal na imbestigasyon, hindi nakapreno sa intersection ang limousine at dumeretso sa isang parking lot at bumangga sa isang nakaparang sasakyang.

Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Safety Board (NTSB) chairman Robert Sumwalt na ito na ang maituturing na most deadly transportation accident sa United States sa nakalipas na isang dekada.

Galing ang limo sa mataas na bahagi ng kalsada ay tinatayang tumatakbo ng bilis na 60 miles per hour.

Nangyari ang aksidente kasabay ng paggunita ng Columbus Day sa Amerika.

TAGS: 18 sakay ng limo 2 pedestrians patay, chairman Robert Sumwal, kasabay ng paggunita ng Columbus Day sa Amerika, limousine sa New York., Police Deputy Supt. Christopher Fiore, Transportation Safety Board (NTSB), 18 sakay ng limo 2 pedestrians patay, chairman Robert Sumwal, kasabay ng paggunita ng Columbus Day sa Amerika, limousine sa New York., Police Deputy Supt. Christopher Fiore, Transportation Safety Board (NTSB)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.