Presidential Spokesperson Harry Roque naghain ng leave of absence mula ngayong araw

By Chona Yu, Donabelle Dominguez-Cargullo October 08, 2018 - 09:13 AM

Inquirer File Photo

UPDATE – Nag-leave muna sa kaniyang trabaho si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Director Dennis Ting ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), epektibo ang leave ni Roque mula ngayong araw, October 8, 2018.

Wala namang ibinigay na petsa ang tanggapan ni Roque kung hanggang kailan ito mananatiling naka-leave.

Personal na lakad abroad ang dahilan ng pagle-leave ni Roque at bibiyahe ito mula sa Miyerkules.

Dahil dito, kanselado na ang press briefing ni Roque na unang itinakda alas 11:30 ng umaga base sa abiso sa mga mamamahayag.

Wala na ring press brieifing para sa buong linggong ito pero maari pa ring magpadala ng mga tanong kay Roue ang Malacanang Press.

Magugunitang noong Biyernes, sinabi ni Roque na pinag-iisipan na niya ang magbitiw sa pwesto bilang tagapagsalita ng pangulo.

Ito ay makaraang aminin ni Roque na hindi niya alam na nagpa-ospital pala ang pangulo kaya sinabi niya sa publiko na ito ay nasa “private time” lamang.

TAGS: mula ngayong araw, naghain ng leave of absence, October 8 2018, Presidential Spokesperson Harry Roque, mula ngayong araw, naghain ng leave of absence, October 8 2018, Presidential Spokesperson Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.