Road closure ipatutupad sa ilang bahagi ng NLEX-SCTEX mula ngayong araw dahil sa maintenance work
Ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) at Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) ang isasara simula
ngayong araw ng Lunes, Oct. 8.
Ito ay dahil sa mga maintenance work na isasasagawa sa ilang bahagi ng lansangan sa NLEX at SCTEX.
Sa abiso ng NLEX Corporation, may maintenance improvement works sa sumusunod n mga lansangan simula Oct. 8
hanggang 14:
NLEX:
– Bahagi ng Valenzuela, northbound at southbound, innermost lanes
– Bago sumapit ng Mindanao toll plaza, middle lane
– Bahagi ng Bocaue southbound, middle lane
– Pagitan ng San Simon at San Fernando, northbound at southbound innermost lane
SCTEX: (Oct. 8 to 13)
– Bahagi ng Porac patungo sa direksyon ng Concepcion, Tarlac at Subic, middle lanes.
Dahil naman sa kukumpunihing mga tulay, maaapektuhan ang mga sumusunod na lansangan:
NLEX:
– Old Angeles overpass, southbound , innermost lane (Oct. 8 to 10)
– Old Angeles overpass, southbound , middle lane (Oct. 9, 11 and 12)
Mayroon namang drainage enhancement na makaaapekto sa sumusunod na bahagi:
NLEX:
– Bahagi ng Meycauayan, northbound and southbound, outermost lane (Oct. 8 to 14)
– Bahagi ng Panadayan Exit (Oct. 8 to 14)
Inabisuhan ng NLEX ang publiko na asahan na ang mas mabigat na daloy ng traffic sa mga apektadong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.