Abuyog, Leyte niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Abuyog sa lalawigan ng Leyte.

Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa 5 kilometers south ng Abuyog, alas 6:33 ng umaga ng Lunes, Oct. 8.

Tectonic ang origin ng lindol at 5 kilometers lang ang lalim.

Bunsod ng nasabing pagyanig naitala ng Phivolcs ang intensity II sa bayan ng Abuyog at Mahaplag sa Leyte.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala sa ari-arian.

Read more...