Kris, nagpasalamat kay Mayor Herbert Bautista sa pagiging mabuting kaibigan

By Rhommel Balasbas October 08, 2018 - 07:56 AM

‘It wasn’t the end.’

Ito ang sinabi ng Queen of All Media na si Kris Aquino kung saan kanyang iginiit na hindi nagwakas ang relasyon nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sa larawang ipinost ni Aquino sa Instagram, makikita na nagdinner ang dalawa kasama ang iba pang kaibigan.

Anya, bagaman hindi nagtapos sa ‘happy ending’ ang kanilang romatic relationship ay nagpatuloy ang kanilang pagkakaibigan.

Giit pa ni Kris, hiling ni Bautista na makabalik siya sa kanyang magandang kalusugan.

Matatandaang inanunsyo ni Aquino ang kanyang pagpunta sa Singapore upang magpagamot dahil sa ‘stress’ na naibibigay ng kanyang ‘legal dispute’ na pinagdadaanan sa ngayon.

Suportado rin anya ng alkalde ang kanyang mga prayoridad at hinimok siyang huwag pumasok sa pulitika.

Taong 2014 nang umamin si Aquino na inalok siya ni Bautista ng kasal.

TAGS: ‘happy ending’, kris, nagdinner, nagpasalamat kay Mayor Herbert Bautista, pagiging mabuting kaibigan, ‘happy ending’, kris, nagdinner, nagpasalamat kay Mayor Herbert Bautista, pagiging mabuting kaibigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.