18 sugatan; nasa 350 inilikas dahil sa wildfire sa Portugal
Isang wildfire ang sumiklab sa Sintra-Cascais Natural Park sa Portugal na ikinasugat ng 18 katao habang nasa 350 ang pwersahang inilikas.
Ayon kay Andre Fernandes ng civil protection agency ng naturang bansa, 17 sa sugatan ay mga bumbero at ang isa ay sibilyan.
Umabot na rin sa 700 bumbero ang sumusubok na apulahin ang apoy na patuloy na pinalalakas ng hangin.
Ayon kay Fernades, lubhang mahirap para sa kanila ang unang mga oras ng sunog dahil sobrang mahangin ang panahon.
Sa ngayon ay gamit-gamit ng mga bumbero ang 225 sasakyan at anim na aerial fire-fighting units para sa pagpatay sa sunog.
Kada taon ay magaganap na wildfire sa mga kagubatan sa Portugal.
Noong 2017 ay umabot sa 106 katao ang namatay sa itinuturing na pinakamalalang fire season ng naturang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.