Japan military officer patay sa aksidente sa kasagsagan ng US-PH drills

By Rhommel Balasbas October 08, 2018 - 12:55 AM

AFP

Patay sa isang car crash accident noong Martes ang isang Japanese military officer na kalahok sa Kaagapay ng Mandirigmang Dagat (KAMANDAG) 2018 na bilateral exercise sa pagitan ng Estados, Japan at Pilipinas.

Kinumpirma ito ng Ground Self-Defense Forces (GSDF) kahapon, araw ng Linggo.

Nakilala ang biktima na si Sergeant Suguru Maehara, 38 anyos na naghahatid lamang ng food supply sa mga miyembro na kalahok ng drill nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa ulat, isang Filipino ang nagmamaneho ng van na sinasakyan ni Maehara nang bumangga ito sa isang truck.

Ang impact ng banggaan ay bumasag sa bungo ng biktima na kanyang ikinamatay.

Isa pang Japanese officer ang kasama ni Maehara na nabalian ng tadyang ngunit nailabas din sa ospital sa kaparehong araw.

Ang KAMANDAG 2018 ay isang 10-day exercise na isinasagawa sa isang naval base ng Pilipinas na nakaharap sa South China Sea.

Iginiit naman ng US military na hindi ito isinasagawa para sa China.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.