Asawa ng konsehal ng Sasmuan, Pampanga sinabing pulitika ang motibo sa pamamaslang

By Justinne Punsalang October 08, 2018 - 01:27 AM

Naniniwala ang naiwang asawa ni Sasmuan, Pampanga councilor Jesus “Boyet” Angeles na si Fely na pulitika ang nasa likod ng pamamaslang sa kanyang asawa.

Aniya, mayroong nakaaway si Angeles sa kasagsagan ng resigtration period, kung saan inakusahan umano nito ang pinsan ng kalaban sa pulitika na nagdadala ng mga magpaparehistro sa COMELEC ngunit hindi naman taga-Pampanga.

Hinagpis pa ni Fely, pulitika lamang ang pinag-awayan, bakit pa kinailangang humantong sa pamamaslang.

Ayon naman kay Senior Inspector Narciso Zingalawa na siyang hepe ng Sasmuan Municipal Police, patuloy ang kanilang pangangalap ng ebidensya upang matunton ang mastermind sa krimen.

Samantala, aniya, masusi nilang babantayan ang nalalapit na halalan, partikular ang pagtutok sa mga kakandidato upang makita ang kanilang background at malaman kung mayroon ba silang mga kaalitan.

Kahapon nang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin si Angeles na mayroong planong tumakbo bilang vice mayor sa 2019.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.