AFP Chief Carlito Galvez, binisita ang MILF; nangakong ikakampanya ang BOL

AFP-PAO

Ipinangako ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Carlito Galvez Jr. na ikakampanya niya ang Bangsamoro Organic Law (BOL) kapag siya ay nagretiro na.

Sinabi ito ng AFP chief sa kanyang pagbisita sa Camp Darapanan na isang military installation ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Naging mainit ang pagtanggap sa ikalawang pagbisita ni Galvez. Nauna niyang puntahan ang naturang kampo noong siya pa ang commander ng 6th Infantry Division.

Ani Galvez, sa kanyang pagreretiro sa December 12 ay tutulong aniya siya na masolusyunan ang mga problemang kinakaharap ng BOL.

Kasama ng opisyal sa kanyang pagbisita sina Western Mindanao commander Lieutenant General Arnel dela Vega at 6th Infantry Division commander Major General Cirilito Sobejana.

At sa pagdalaw ni Galvez ay iginawad sa kanya ng MILF sa pangunguna ni Al Haj Murad Ebrahim ang Soldier of Peace Award dahil sa kanyang panunungkulan bilang pinuno ng government ceasefire panel at pagtulong upang mapahupa ang tensyon sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at MILF.

Ito ang kauna-unahang iginawad ng MILF ang naturang award sa isang miyembro ng militar.

Read more...