Klase sa Arellano University suspendido pa rin hanggang ngayong araw

By Rhommel Balasbas October 08, 2018 - 02:38 AM

Arellano University sa Legarda, Maynila ngayong araw.

Ito ay bunsod pa rin ng chemical spill na nangyari sa labas ng pamantasan umaga ng Sabado.

Inanunsyo ng AU sa kanilang social media accounts ang suspensyon sa klase at trabaho ng teaching personnel habang ang non-teaching personnel naman ay nasa pagpapasya na ng mga opisyal nito.

Bumangga ang isang container van na naglalaman ng kemikal na toluene sa pader sa harap ng unibersidad.

Tinatayang nasa 100 hanggang 150 litro ng kemikal ang natapon mula sa dalawang drum ng trak.

Mapanganib sa kalusugan ng tao ito kaya’t hindi pinalalapit ang mga tao malapit sa lugar na nagbunsod din ng kanselasyon ng klase at mga aktibidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.