Pagpasok ng bagong maintenance provider ng MRT-3 nauunsyami dahil sa Dalian Trains – DOTr
Bunsod ng isyu sa Dalian Trains ay hindi pa makapasok ang bagong maintenance provider ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3)
Ito ang inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade at sinabing kailangan pa muna itong resolbahin bago magsimula ang bagong maintenance provider.
Ani Tugade, gusto na sana niya pirmahan ang kontrata para dito noon pang Agosto o Setyembre.
Kamakailan ay inanunsyo ng kagawaran na nakatakdang magsagawa Philippine National Railways (PNR) at CCRC Dalian ng ‘simulation runs’ para sa mga tren ngayong buwan ng Oktubre.
Layon nitong madetermina kung ligtas ang mga tren para sa publiko.
Nauna nang sinabi ni Tugade na nais nilang kunin ang Japanese company na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industry Ltd. bilang bagong maintenance provider ng MRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.