Pagpapatingin sa doktor ni Pangulong Duterte hindi patunay ng kanyang kalusugan — Escudero

Hindi sapat na ipaalam ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim siya sa medical procedure upang maipakita na nasa maayos siyang kalagayan.

Ayon kay Senador Chiz Escudero, hindi naman findings o resulta ng medical examination ang ipinaalam ng pangulo. Bagkus, sinabi lamang nito na nagpatingin siya sa doktor.

Ibig sabihin aniya, kailangang maglabas ng medical update ang pangulo.

Punto ng senador, sa ilalim ng Konstitusyon, kailangang ipaalam ng punong ehekutibo sa publiko ang estado ng kanyang kalusugan.

Ang pahayag ni Escudero ay matapos aminin ni Pangulong Duterte na kamakailan ay pumunta siya sa Cardinal Santos Medical Center upang magpatingin at sumailalim sa ilang mga test.

Read more...