Death toll sa lindol sa Haiti umakyat pa

By Isa Avendaño-Umali, Justinne Punsalang October 08, 2018 - 02:41 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi matapos tumama ang isang magintude 5.9 na lindol sa Port-au-Prince, Haiti.

Sa huling datos ng mga otoridad, 14 na ang kumpirmadong nasawi, habang 188 katao naman ang sugatan.

Ang mga nasawi ay mula sa Port-de-Paix, Gros-Morne, Chansolme, at Saint-Louis-du-Nord.

Dahil sa naganap na pagyanig, maraming mga imprastraktura ang nasira kabilang ang mga bahay, simbahan, at ospital.

Nakatakas din ang ilang mga bilanggo sa Gros-Morne matapos masira ang gusali ng police station.

Sa kanyang post sa Twitter, hinimok ni Haiti President Jovenel Moïse ang kanyang mga kababayan na manatiling kalmado, habang ginagawa ng risk management system at regional civil protection directorates ang lahat upang maayudahan ang mga apektadong lugra.

Nakikipag-ugnayan din aniya siya sa prime minister para naman sa relief operations at agarang paggamit ng resources.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.