NCRPO ipagpapatuloy ang kampanya laban sa mga residenteng walang damit pang-itaas
Ipagpapatuloy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang paghuli sa mga residenteng makikitang walang damit pang-itaas sa mga kalye.
Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar ito ay pagpapaigting pa sa mga lokal na ordinansa na kanilang sinimulan noong Hunyo.
Ani Eleazar, umabot na sa 24,726 ang naarestong half-naked o 7.12 percent ng kabuuang 347,308 na violators sa Metro Manila.
Pinakamalaki pa rin ang naaresto dahil sa paninigarilyo sa 110,904.
Ang Quezon City Police District ang top performer sa istriktong implementasyon ng local ordinances kung saan umabot na sa 195,273 ang lumabag o 56 percent ng kabuuang bilang ng naaresto sa buong rehiyon.
Nilinaw naman ni Eleazar na pinakakawalan agad ang mga lumabag matapos mabigyan ng babala habang ang iba ay pinagmulta.
Kabilang sa kampanya ang paghuli sa mga umiinom sa kalye at lumalabag sa curfew hours.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.