VP Robredo biyaheng US at Canada para dumalo sa isang leadership summit

Nakatakdang bumiyahe si Vice President Leni Robredo papuntang Estados Unidos at Canada.

Sa isang panayam, sinabi ng ikalawang pangulo na naimbitahan siyang maging speaker sa isang leadership summit ng Center for Strategic and International Studies sa Washington.

Ani Robredo, noon pang nakaraang taon siya inimbitahan para sa nasabing summit.

Wala anyang kahit isang sentimong pera ng bayan ang magagamit sa kanyang biyahe.

Giit pa nito, makatutulong ang kanyang biyahe para makahanap ng private partners para sa kanyang ‘Angat Buhay’ program.

Ang ‘Angat Buhay’ ay ang flagship program ng tanggapan ng bise presidente na layong tugunan ang pangangailangan sa sektor ng edukasyon, food security and nutrition, universal health care and housing and resettlement, rural development at disaster response and rehabilitation.

Read more...