2 bus nagbanggaan sa Davao del Norte

By Justinne Punsalang October 08, 2018 - 03:33 AM

Sugatan ang 38 katao matapos magsalpukan ang dalawang mga bus sa kahabaan ng Daang Maharlika Highway na sakop ng Barangay Canocotan sa Tagum City, Davao del Norte.

Ayon sa bus company, patungong Tagum City ang DMS Bus nang bigla itong lumipat sa kabilang bahagi ng kalsada dahil sa sumulpot na motorsiklo.

Sinubukan lamang umano ng driver ng bus na iwasan ang rider, ngunit dahil sa madulas na kalsada bunsod ng mga pag-ulan ay nawalan ng kontrol ang driver sa bus, dahilan upang sumalpok sa isa pang DMS Bus.

Ayon sa management ng DMS, handa silang makipagtulungan sa mga otoridad tungkol sa imbestigasyon.

Handa rin ang kumpanya na sagutin ang pagpapagamot ng lahat ng nasugatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.