2 branch ng LBC pinagnakawan sa Agusan del Norte

By Justinne Punsalang October 08, 2018 - 02:31 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Halos magkasabay na sinalakay ng mga magnanakaw ang dalawang branch ng LBC sa bayan ng Nasipit at Butuan City, Agusan del Norte.

Ayon sa Butuan City Police, tatlong hindi nakilalang mga kalalakihan ang nang-holdup sa branch ng LBC sa kahabaan ng J.C. Aquino Avenue.

Dalawang customer ang nasa lugar nang dumating ang mga kawatan. Dalawa ang nagdeklara ng holdup, habang ang isa naman ay nagsilbing lookout.

Nakuha mula sa naturang LBC branch ang P40,000.

Samantala, tatlong mga suspek din ang nagnakaw sa branch ng LBC sa Nasipit habang mayroong tatlong customer na sineserbisyuhan ang mga empleyado.

Nakuha naman mula dito ang nasa mahigit P9,000.

Parehong lulan ng mga motorsiklo ang mga suspek sa dalawang insidente ng pagnanakaw.

Ayon sa mga otoridad, bagamang magkaibang mga salarin ang nagsagawa ng holdup sa dalawang branch ng LBC, ay posible namang nanggaling lamang sila sa iisang grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.