Miss World Philippines 2018 kinoronahan na

By Justinne Punsalang October 08, 2018 - 12:46 AM

Mayroon nang bagong kinatawan ang Pilipinas para sa Miss World — at ito ay sa katauhan ni Katarina Rodriguez.

Sa ginanap na Miss World Philippines 2018 coronation night kagabi sa Mall of Asia Arena, ay hinakot ni Katarina ang mga special awards.

Kabilang dito ang Miss Blue Water Day Spa, Miss Cosmo Skin, Miss Resorts World Manila, at Best in Long Gown.

Pagdating naman sa question and answer portion ng pageant, tinanong ang beauty queen tungkol sa kung ano ang kanyang masasabi sa mga feminists na ang tingin sa mga beauty pageants ay exploitation o pagsasamantala sa mga kababaihan.

Bilang tugon ay umamin si Katarina na ganoon din ang kanyang pagtingin noon. Ngunit matapos niyang sumali sa mga pageant ay doon niya aniya napagtanto na hindi kompetisyon sa ibang mga kandidata ang beauty pageants kundi kompetisyon sa kanyang sarili. Kaya naman aniya, maituturing ito na women empowerment.

Itinanghal naman bilang Miss Multinational Philippines 2018 si Kim-Lei Mugford, si Alyssa Muhlach Alvarez bilang Reina Hispanoamericana Filipinas 2018, at Maureen Montagne bilang Miss Eco Philippines 2018.

Ibinigay naman ang first princess award kay Chanel Morales at second princess award kay Pearl Hung.

Bago ang naturang pageant, hawak na ni Katarina ang titulong 1st runner-up sa Miss Intercontinental 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.