Ilocos Norte niyanig ng M3.2 na lindol

Tumama ang isang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Currimao sa Ilocos Norte hatinggabi ng Lunes.

Batay sa abisong inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig kaninang alas-12:01 ng madaling araw.

Naitala ang episentro ng lindol sa 100 kilometro hilagang kanluran ng Currimao.

May lalim itong 17 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang anumang pagkasira sa mga ari-arian o aftershocks ang naganap na lindol.

Read more...