Imbestigasyon sa amnesty ng mga mutineers nasa desisyon ng pangulo — Guevarra

By Justinne Punsalang October 07, 2018 - 05:45 PM

Prayoridad ng pamahalaan ang pagbawi sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ang naging pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos isiwalat ng militar na 276 amnesty records ng mga mutineers ang nawawala.

Ani Guevarra, nasa desisyon na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung anong gagawin sa mga amnestiya ng mga dating mutineers.

Paliwanag pa nito, bilang bahagi ng kapangyarihan ng pangulo na maggawad ng executive clemency, pwede nang hindi aktuhan ang pagkawala ng mga amnesty records.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.