P30M marijuana nasabat sa Las Piñas City

By Justinne Punsalang October 07, 2018 - 06:44 PM

Inquirer file photo

Arestado ang isang drug suspek matapos magkasa ng followup operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang bahay sa Barangay Pilar, Las Piñas City.

Ayon sa PDEA, 30 kilo ng high grade marijuana ang nasabat mula sa likod ng isang greenhouse sa lugar.
Tinatayang nagkakahalaga ito ng P30 milyon.

Sinasabing nakabaon ang naturang mga ipinagbabawal na gamot sa greenhouse, kaya naman nang una itong salakayin ay hindi ito napansin ng mga otoridad.

Bukod naman sa mga high-grade marijuana ay narekober din ng mga otoridad mula sa bahay ang iba’t ibang exotic animals katulad ng 14 na sawa, 7 alakdan o scorpion, 7 tarantula, maging mga imported na ipis, isang coconut crab, at isang softshell turtle.

Mahaharap ang nagpakilalang US citizen na suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.