
Pinakakalma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang publiko sa gitna ng mga haka-haka na may malubhang sakit si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Andanar na agad namang ipaaalam ni Pangulong Duterte sa taumbayan kung may malubha siyang karamdaman.
Sinabi pa ni Andanar na hindi dapat na mabahala ang publiko dahil makikita namang malusog ang pangulo at katunayan ay nakapamasyal pa sa Hong Kong.
Sinabi pa ni Andanar, panay trabaho ang pangulo sa gitna ng alingasngas sa kanyang kalusugan.
MOST READ
LATEST STORIES