Ilang mga pwesto sa gabinete ng pangulo, mababakante

By Chona Yu October 07, 2018 - 08:02 PM

Asahan na ang pagkakaroon ng mga bagong mukha sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay dahil sa aabot sa anim hanggang walong miyembro ng gabinete ang magbibitiw sa pwesto para sumabak sa 2019 elections.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na sa ngayon, sigurado nang pasok sa gabinete ni Pangulong Duterte si Army chief Rolando Bautista na susunod na magiging kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Gayunman, tumanggi na muna si Andanar na tukuyin kung sino pa ang mga magiging bagong miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte.

Mas makabubuti aniyang hintayin na muna ang October 11 o ang pagsisimula ng filing ng certificate of candidacy (COC) para malaman kung aling mga tanggapan ang mga mababakante.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.