P1.6B inilaan ng SSS para sa mga naapektuhan ng bagyong Ompong

By Chona Yu October 07, 2018 - 07:07 PM

Naglaan ang Social Security System (SSS) ng P1.61 bilyong pondo para sa calamity assistance program para sa mahigit isang milyong miymbero at pensioner na naapektuhan ng nagdaang bagyong Ompong.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, simula noong October 5, nag-alok na ang SSS ng calamity loan, advance three month pension at direktang house repair at improvement loan para sa mga apektadong miyembro ng SSS.

Maaari aniyang makapag-avail ang mga miyembro kung ang kanilang lugar ay naideklarang calamity-stricken area ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kabilang sa mga ideneklarang calamity areas ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga,Tarlac, at Zambales.

Maaaring makapag-apply ang isang miyembro ng calamity loan na P16,000.

Ayon sa SSS, maaari ring makapag-avail ng calamity loan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na naninirahan sa mga nabanggit na lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.