Ruffa Gutierrez ibinahagi ang karanasan sa Miss World

By Isa Avendaño-Umali October 07, 2018 - 05:01 PM

Ruffa Gutierrez Instagram

“Goodluck ladies! May the best queen win!”

Ito ang mensahe ng aktres at beauty queen na si Ruffa Gutierrez bago ang coronation night ng Miss World Philippines 2018 mamayang gabi.

Nagpost pa si Ruffa ng throwback photo sa kanyang official Instagram account ng isang polaroid photo kung saan makikita ang batang-batang Ruffa na naka-blue swimsuit at may caption ito na “Hi, I’m Sharmaine Ruffa Gutierrez, 17 years old from the Philippines!”

Inalala pa ni Ruffa na ang kanyang karanasan, kung kailan siya napili ni Mrs. Stella Araneta para maging representative sa “Elite Look of the Year” modeling competition hanggang sa siya’y maging beauty queen at mabigyan ng mga oportunidad na hanggang ngayon ay kanyang na-eenjoy.

At mamayang gabi, ani Ruffa, 40 kandidata ang maglalaban-laban para sa korona at titulo bilang Miss World Philippines.

Taong 1993 nang itanghal si Ruffa bilang Binibining Pilinas World, at 2nd runner naman sa Miss World beauty pageant.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.