200 mga otoridad ipinakalat sa Benguet para ipatupad ang pagbabawal sa pagmimina

By Ricky Brozas October 07, 2018 - 07:32 PM

Nagpakalat ng mahigit 200 sundalo, police at environment officers ang gobyerno sa bayan ng Itogon sa lalawigan ng Benguet para ipatupad ang ban o pagbabawal sa small-scale mining operations doon.

Una nang iniutos ng pamahalaan ang pagpapatigil sa pagmimina sa Benguet na isa sa pinamakamayaan sa ginto sa bahagi ng rehiyon ng Cordillera matapos ang malawakang landslides bunsod ng pananalasa ng bagyong Ompong kung saan halos 90 katao ang nasawi kabilang na ang mga dose-dosenang mga minero at kanilang pamilya.

Ang mga otoridad na ipinakalat sa Itogon ay siyang mangangasiwa sa inspeksiyon sa 1,185 “adits” o mga mining tunnels.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), sinumang lalabag sa cease and desist order laban sa pagmimina ay mahaharap sa kaukulang parusa.
Samantala, isa namang menor edad mula sa Barangay Supang ang dinala sa himpilan ng pulis makaraang mahuling naghahalukan ng ginto linggo ng umaga.

Kinumpiska naman ang cyanide at iba pang gamit sa pagmimina sa isang mining facility sa lugar.

Noong nakaraang linggo ay anim na kalalakihan ang inaresto dahil umano sa iligal na pagpapatakbo ng gold mining facility. Anim sa kanila ang nakapag-piyansa.

Ang crackdown sa pagmimina ay ipatutupad hanggat hindi naaprubahan ang “minahang bayan” o permit to mine mula sa DENR.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.