Mga pekeng Christmas lights sa Divisoria, kinumpiska ng DTI

By Jay Dones, Ricky Brozas November 04, 2015 - 04:32 AM

 

Mula sa ecowastecoalition.blogspot.com

Bilang babala sa mga pasaway ng mga nagtitinda ng mga pekeng Christmas lights, sinalakay ng mga ahente ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga stall sa 168 mall sa Divisoria, Maynila na nagtitinda ng mga christmas decors.

Tinarget ng kagawaran na parusahan ang mga nagtitinda ng mga substandard at uncertified na Christmas lights.

Naghiwa-hiwalay sa anim na teams ang DTI para sabay-sabay na sorpresahin ang mga may-ari ng mga stalls.

Partikular na tinignan ay kung may PS at ICC mark ang mga produkto.

Sa naturang raid, umabot sa sampung tindahan ang tinungo ng mga raiding team.

Nakakumpiska rin ang mga ito ng mahigit sa 3,000 set ng Christmas lights na wala o may nakakabit na pekeng Import Commodity Clearance o ICC sticker.

Ilang rolyo rin ng mga pekeng ICC sticker ang nakumpiska sa isang tindahan.

Nagbabala si Director Danilo Enriquez Ng DTI – Fair trade enforcement bureau sa peligrong dulot ng mga christmas lights na mababa ang kalidad.

Maari aniyang pagmulan ng sunog o pagkakuryente ang mga pekeng chirsitmas lights dahil hindi ito dumaan sa kaukulang pagsusuri sa kalidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.